Harapan ng police community precinct-3 ng MPD, hinagasian ng pampasabog

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek maging ang ginamitnitong pagpapasabog sa tapat ng police community precinct sa Arellano Avenue, Malate, Maynila.
Nahagip ng CCTV ang insidente kung saan alas-3:16 kaninang madaling araw makikitang isang ang lalaking nakamotorsiklo ang huminto sa harap ng nasabing presinto saka inihagis ang pampasabog.
Napinsala sa pagsabog ang isang kulay puting toyota fortuner at isang motorsiklo na pag-aari PCI Paulito Sabulao, PCP 3 commander.
Nagpanik naman ang mga residente malapit sa PCP 3 nang maganap ang pagsabog at masuwerte naman na walang nasaktan.

Facebook Comments