Manila, Philippines – Naniniwala ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na mas maluwag na para sa mga biyaherong magmumula sa North at Central Luzon dahil sa North Luzon Expressway Harbor Link Project patungo ng Metro Manila.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang NLEX Harbor Link Project ay ma-a-access na ng publiko ngayong buwan ng Enero.
Paliwanag ng kalihim na dahil sa pag-iisyu ng Department Order 65 noong nakaraang Mayo ay nakuha na ng DPWH ang 100 porsyento ng right of way na pag-aari ng NLEX Harbor Link Project Segment 10 noong Disyembre 2018 makaraang 1 taon at pitong buwan nilang paghihintay.
Dagdag pa ni Villar ang oras ng paglalakbay mula sa C3 sa Caloocan at NLEX, ay bababa nang hanggang 10 minuto,
Nabatid na ang NLEX Harbor Link Segment 10 ay binubuo ng 5.65-km na elevated expressway na dumadaan sa NLEX mula sa MacArthur Highway sa Karuhatan, Valenzuela City, na dumadaan sa Malabon City at C3 Road, sa Caloocan City at ang 2.6-km na seksyon naman nito ay nasa pagitan ng C3 Road, Caloocan City at R10 sa Navotas City.
Giit ng NLEX na higit pang luluwag ang byahe sa loob ng NLEX dahil bibilis pa ang daloy ng trapiko dahil marami na ang makakadaan sa bubuksang NLEX Harbor Link Project, kay at ang volume umano ng sasakyan ay mababawasan sa Balintawak Area patungong Quezon City at Metro Manila.
Ang biyahe sa Port Area sa Maynila hanggang Quezon City ay nasa mahigit 10 minuto na lamang kapag nakonekta na ang R-10 na tutugon sa Mindanao Avenue.