Hard GCQ at soft MECQ, inirekomenda ng OCTA Research sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases

Ipinanukala ng OCTA Research sa gobyerno na magpatupad ng hard General Community Quarantine (GCQ) o mas mahigpit na GCQ upang mabawasan ang hawaan ng Coronavirus sa Metro Manila.

Ginawa ng grupo ang rekomendasyon matapos sumipa sa mahigit 5,000 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay Prof. Ranjit Rye, dapat na bawasan ang maraming movement sa National Capital Region (NCR) para maibaba ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.


Kabilang sa nais pang palimitahan ng OCTA Research ay ang dine-in sa mga restaurant kung saan dapat na take-out muna ang transaksyon sa mga ito.

Dapat ding bigyan ng quarantine pass ang mga manggagawa sa pagpasok sa kanilang mga trabaho, ipagbawal ang mga social gathering at panatilihin ang mass transport.

Ngunit kung sakaling hindi pa rin maibaba ang tinatamaan ng virus sa loob ng isa hanggang dalawang linggo ay kailangang itaas sa soft Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Facebook Comments