Handa ang Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng hard lockdown kung sakaling ipagutos ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa gitna ng banta ng bagong Omicron strain ng Coronavirus.
Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, hindi na bago ito sa PNP, at mayroon na silang template na katulad noong ginawa noong ipinairal ang pinaka striktong quarantine sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ngunit dahil aniya sa panahon ng eleksyon, magiging mas-challenging sa PNP na ipatupad ang paghihigpit sa kilos ng tao.
Hindi aniya maiwasan ang mobilisasyon ng mga supporter ng mga kandidato.
Aniya posibleng umapela ang PNP sa Commission on Elections (COMELEC) na baguhin ang mga campaign guidelines para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga iba’t ibang ahensya na nagbabantay ng entry points ng bansa.