Hard lockdown na ipinatupad sa Sampaloc, Maynila, naging matagumpay

Umaabot sa 157 ang bilang ng mga hinuling lumabag sa ipinatupad na 48-hour hard lockdown sa Sampaloc District sa Lungsod ng Maynila.

Ang hard lockdown sa lugar ay alinsunod sa direktiba ni Mayor Francisco “Isko” Moreno na nagsimula noong Huwebes, alas-8:00 ng gabi at natapos ng alas-8:00 ng gabi ng Sabado.

Bukod sa mga nahuling violators, nasa 34 ang na-rescue kabilang ang 13 menor de edad at 21 street dwellers.


Ayon naman kay Manila Police District-Station 4 Police Lt. Col. John Guiagui, naging matagumpay ang implementasyon ng lockdown sa buong area ng Sampaloc at walang anumang “untoward incident”.

Kahit pa natapos ang lockdown, hindi na muma aalisin ng AFP Joint Taskforce NCR ang presensiya ng mga sundalo sa Sampaloc.

Ito’y dahil kailangan pang tiyakin at higpitan ang seguridad kung saan makikipag-ugnayan si Brigadier General Alex Luna, Commander ng Task Force NCR kay MPD Director Police Brig. Gen. Rolando Miranda at Mayor Isko Moreno para sa gagawing assessment kung kakailanganin pa din ang mga sundalo sa Sampaloc District.

Facebook Comments