Pinasimulan na kaninang alas-5 ng umaga ang 48-hour hard lockdown sa unang Distrito ng Lungsod ng Maynila na tatagal hanggang alas-5 ng umaga sa Mayo 5.
Ayon kay Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, isinara ang buong District 1 ng Tondo para ipatupad ang disease surveillance at mass testing operations.
Layon ng pamahalaang lungsod na “ma-contain ang pagkalat at mapagaan ang epekto ng COVID-19 sa lugar.”
Pangalawa na ang District 1 sa Tondo ang isinailalim sa hard lockdown dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19, una ay ginawa sa Sampaloc District.
Bago ipinatupad ang hard lockdown, pinabigyan na ng food packs ang may 140,166 pamilya sa Tondo 1 area nitong nakalipas na araw.
Facebook Comments