Hard skills, technical skills prayoridad ng mga employers – DOLE

Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga estudyante na pag-ibayuhin ang kanilang pag-aaral at huwag balewalain ang kumukuha ng kursong technical at vocational.

Sa ginanap ng forum sinabi ni Bureau of Local Employment (BLE) ng DOLE Director Dominique Rubia Tutay na ang hinahanap talaga ng mga employers ay ang hard skills at technical skills ang kailangan ngayon ng mga employers upang makakuha ng trabaho.

Paliwanag ni Director Tutay na marami sa mga employers ang hinahanap talaga ay mga hard skills at technical skills hindi nila masyadong pinaprayoridad kung mataas ang iyong pinag-aaralan sa kolehiyo.


Dagdag pa ni Tunay na kailangan maging dalubhasa ang mga estudyante sa technical at vocational dahil ito umano ang in demand o kailangan ng mga employers sa kanilang mga kumpanya.

Hinikayat ng opisyal ang mga estudyante na huwag balewalain ang mga vocational course dahil malaki ang maitutulong sa kanila upang makapaghanap ng trabaho.

Facebook Comments