Kapwa pasok bilang finalist sa NBA Most Valuable Player at Defensive Player of the Year awards sina Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokoumpo at Oklahoma City Thunder forward Paul George.
Makakalaban ng dalawa sa MVP honor si Houston Rockets guard James Harden na may average na 36.1 points per game.
Nauna nang itinanghal bilang MVP para sa 2017-2018 NBA season si harden.
Third place naman sa scoring (27.1 points) si Antetokoumpo habang lider sa steals (2.2) si George at may average points na 28.0 per game.
Makakasama naman ni Antetokoumpo at George sa Defensive Player of the Year Award ang itinanghal noong nakaraang taon na si Rudy Gobert ng Utah Jazz.
Pasok din sa listahan ng mga finalists sina:
Indiana Pacers’ Domantas Sabonis at LA Clippers teammates Lou Williams at Montrezl Harrell para sa sixth man
Luka Doncic (Dallas Mavericks), Trae Young (Atlanta Hawks), Deandre Ayton (Phoenix Suns) para sa Rookie of the Year
Denver Nuggets’ Mike Malone, Milwaukee Bucks’ Mike Budenholzer at Clippers’ Doc Rivers para sa coach of the year
Raptors’ Pascal Siakam At De’aaron Fox ng Sacramento Kings at D’angelo Russell mula sa Brooklyn Nets para sa most improved player
Gaganapin ang NBA annual awards show sa June 24 sa Los Angeles kung saan masisilbing host ang basketball legend na si Shaquille O’neal.