Manila, Philippines – Tiniyak ng kauna-unahang jeepney manufacturer na *Sarao* na patuloy pa rin silang gagawa ng mga jeep na tumatak na sa bawat Pilipino.
Ayon kay Ed Sarao ng Sarao Motors Inc. – imbes na itigil ang produksyon, handa nilang i-angkop ang mga *Sarao jeep* sa modernization program ng pamahalaan sa pakikipagtulungan sa mga pribadong kumpanya.
Ani Sarao mayroon na silang mga prototypes ng mga modernong jeep, kabilang ang electric jeep na hindi bumubuga ng usok at ang euro 4 compliant jeepney.
Pero sinabi ni Sarao na mas mahal ang mga modernong jeep na tinatayang nasa 1.5 million hanggang dalawang milyong piso depende sa disenyo at features kumpara sa mga luma na nagkakahalaga ng 700,000 hanggang 800,000 pesos.
Dahil sa positibong tugon ng riding public sa modernization program, tiniyak ni Sarao na mananatiling ‘Hari ng Kalsada’ ang mga bagong henerasyong jeep.