Harry Roque, mas akma bilang tagapagsalita ng Pangulo?

Manila, Philippines – Naniniwala si outgoing Presidential Spokesman Ernesto Abella na kayang gampanan ni Incoming Presidential Spokesman Harry Roque ang trabahong iniatas sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa maigsing statement na inilabas ni Abella matapos siyang palitan ng Pangulo ay sinabi nito na malinaw naman na buo ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Roque at taglay nito ang mga katangiang hinahanap ng Pangulo.
Sinabi din ni Abella na wala din namang mas akma sa trabaho bilang tagapagsalita kundi si Roque at tiyak na makatutulong sa mga Programa ni Pangulong Duterte.
Wala namang impormasyong inilabas si Abella kung saan siya dadalhin ni Pangulong Duterte matapos siyang tanggalin bilang tagapagsalita.

Facebook Comments