Hangad ngayon ng MAFAR BARMM na muling mapabilang sa Top Rice Producer Province ng bansa ang Maguindanao.
Ito ang inihayag ni MAFAR BARMM Minister Mohammad Yacob kasabay ng nagpapatuloy na planting at harvest festival sa ibat ibang LGU ng probinsya.
Hindi aniya ito imposible dahil na rin nag-uumapaw na suporta ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim sa mga magsasaka hindi lamang sa Maguindanao kundi sa buong rehiyon dagdag pa ni Minister Yacob.
Matatandaang naglunsad ng Planting Festival ang MAFAR BARMM sa ilang bayan sa Maguindanao kasabay ng krisis na kinakaharap na dulot ng Covid-19 habang nagsimula na rin sila sa Harvest Festival.
Layunin nito ay hindi lamang para ipakita kundi iparamdam mismo sa mga magsasaka na may Gobyerno ng BARMM na handang umalalay sa kanila ngayong panahon.
Sinsiguro rin ng MAFAR BARMM na mapapakinabangan ng mga magsasaka ang kanilang mga ibinababang mga tulong.
Kahapon isinagawa sa bayan ng Datu Abdullah Sangki ang Harvest Festival na pinangunahan ni Minister Mohammad at dinaluhan ni DAS Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu.
Ito na ang ika-apat na Harvest Festival ng MAFAR sa Maguindanao.
Ang Rice Harvest Festival para sa 183 hektaryang Community-Based Model Farm on Hybrid at Inbred Seed Production ay isinagawa sa Barangay Talisawa, .
Itinampok sa nasabing Harvest Festival ang hybrid rice variety NSIC Rc204H (Mestizo 20) at inbred vatiety NSIC Rc222.
Samantala, mariin namang inihayag ni DAS Mayor Mangudadatu na magpapatuloy ang kanilang pagsuporta sa kanilang mga kababayang magsasaka, bukas rin ang kanilang Administrasyon para sa lahat ng mga pangangailangan ng mga itinuturing nitong Living Heroes.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>