HARVEST SEASON | Bantay Bigas, naniniwala pa rin na hindi na kailangan ang pag aangkat ng bigas

Manila, Philippines – Muling iginiit ng rice watch group na Bantay Bigas na huwag nang ituloy ng gobyerno ang pag aangkat ng bigas sa dahilang nagsisimula na ang harvest season sa bansa ngayong taon.

Sa halip, iminungkahi ng grupo na bigyan ng priyoridad ng pamahalaan ang pagbili ng butil ng palay sa local farmers at huwag nang ituloy ang mandato ng National Food Authority (NFA) na mag angkat ng 10 porsiyento ng kabuuang produksyon ng bigas.

Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, dapat ginagawa lang ang importasyon ng bigas kapag may shortage ng supply lalo na sa panahon ng kalamidad.


Aniya, batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang local rice production ngayong unang quarter ng taon ay inaasahang tataas ng 2.6 percent hanggang 4.53 metric tons mula sa 4.419 metric tons noong nakalipas na taon.
Naniniwala ang grupo na ang pagpapalakas ng buffer stock sa pamamagitan ng local produce ay isang mabilis na pamamaraan para mapatatag ang presyo ng higas sa merkado.

Facebook Comments