Showbiz – Pumanaw na ang hashtag member na si Franco Miguel Hernandez.
Ang hashtag ay ang all-male group na regular na nagpe-perform sa noontime show ng isang tv network.
Kahapon ng hapon, nalunod si Franco sa karagatang sakop ng Davao Occidental.
Pabalik na ng san Marcelino si Franco, kasama ang kanyang girlfriend, ka-miyembro sa hashtag na si Tom Doromal at dalawang iba pa nang hampasin ng malaking alon ang sinasakyan nilang bangka.
Nahulog ang 26-year old dancer at unconscious nang masagip.
Nadala pa sa ospital si Franco pero idineklarang dead on arrival.
Nagpahayag naman ng lungkot ang mga kasamahan niya sa noontime show kabilang na si Vice Ganda at mga ka-hashtag member.
Facebook Comments