Kasalukuyang nagsasagawa ang Philippine Inter-Agency contingent sa Türkiye ng hasty search operations.
Paliwanag ni Office of the Civil Defense (OCD) Joint Information Center Head Diego Mariano, ang hasty search ay isang fast paced methodological process nang paghahanap ng mga biktima ng guho o pagtukoy ng signs of life bago maghukay ng mga debris.
Ani Mariano, nakakalat ang ating Search and Rescue team sa Adiyaman, Hasty search operations, isinasagawa ng Philippine Contingent sa Türkiye sa pagsasagawa ng hasty search operations.
Sa oras aniya na makakita sila ng signs of life ay tsaka nila bubungkalin o huhukayin ang mga gumuhong bahagi ng gusali para iligtas ang mga na-trap dito.
Nakapag-set up narin ang mga kawani ng Department of Health (DOH) ng kanilang field hospital malapit sa ground zero.
Sa ngayon, na-assigned ang ating team sa Adiyaman kung saan may napaulat na 18 mga gusali ang nag-collapsed.
Dito muna pansamantala ang magiging assignment ng Philippine delegation sa pagsasagawa ng search and rescue operations at nakadepende sa Turkish government kung sila ay idedestino pa sa ibang lugar.
Sa pinakahuling ulat, nasa higit 23,000 na ang nasawi sa nangyaring magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Hasty search operations, isinasagawa ng Philippine Contingent sa Türkiye at Syria.