Hatian sa termino sa Speakership, dapat pagisipang mabuti sa 18th Congress

Naniniwala ang ilang kongresista na walang  magiging problema sa term sharing nila Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano lalo na kung ito ang nais ng Pangulong Duterte.

Ayon kay 1-Ang Edukasyon Partylist Rep Salvador Belaro, bagamat walang problema sa term sharing, mas malaki pa rin ang advantage kung iisang House Speaker lamang ang mamumuno sa loob ng 3 taon.

Paliwanag nito, mapapanatili ang stability ng Kamara lalo at hindi papalit palit ang mga Chairmanships.


Pero naunang inamin ni Cayetano na bigla na lamang umatras sa term-sharing si Velasco na siya ring nagmungkahi nito sa Pangulo.

Lumilitaw na ang dahilan ng pag atras ni Velasco sa term-sharing ay dahil hindi nya nagustuhan na huli siya sa termino at mauuna si Cayetano.

Para naman sa isang political analyst na si Mon Casiple may problema si Velasco dahil parte ng manueverings ng mga Speakership candidates ang ganitong mga hakbang kaya kung umatras ito ay tiyak na sa kanya babalik ito sa negatibong paraan.

Tinawag naman na tuso ng isang dating mambabatas si Velasco dahil sa ginawa nitong pagsuhestiyon ng term sharing na sabay atras nang malaman na hindi pala sya ang mauuna.

Facebook Comments