Ipagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang pagpahatid-sundo ng mga pribadong sasakyan sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) na mga manggagawa kapag isinailalim na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, naging maluwag ang mga awtoridad sa polisiyang ito noon, pero hihigpitan na ngayon dahil mayroon namang pampublikong transportasyon.
Humihinigi naman aniya sila ng pang-unawa dahil apektado nito ang mga manggagawa, lalo na ang mga hindi kayang magmaneho.
Nilinaw naman ni Eleazar na pwedeng tumawid ng border ng mga lungsod sa Metro Manila ang mga workforce APOR at hindi rin sila sakop ng curfew dahil sa trabaho.
Kailangan lang aniyang magpakita ng mga ito ng company ID.