Hatid-Tulong, humirit sa IATF na i-exempt ang pagpapauwi sa mga LSIs sa travel ban

Nais ni Hatid Tulong Lead Convener Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo na ma-exempt mula sa travel ban ang mga nakatakdang umuwing Locally Stranded Individuals (LSIs).

Ito’y kasunod na rin ng mas mahigpit na quarantine protocols ang ipinatutupad sa Metro Manila at ilang karatig lalawigan matapos ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ayon kay Encabo, inihihirit nila ang travel ban exemption mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) para mapabilis ang pagproseso sa mga LSI.


Sinabi pa nito na kung mapagbibigyan ng IATF ang kanilang kahilingan ay agad-agad silang makikipag-coordinate sa receiving Local Government Unit (LGUs) at gagawan din ng schedule at ipa-facilitate ang transportation ng mga uuwing LSIs.

Kasunod nito, nakikiusap ang opisyal sa LSIs na habaan pa ang kanilang pasensya dahil ginagawa naman aniya nila ang lahat ng makakaya upang sila ay mapauwi.

Nabatid na karamihan sa LSIs ay na-stranded dito sa Metro Manila noong unang ipatupad ang lockdown noong Marso.

Facebook Comments