Pinare-review ni Senator Christopher “Bong” Go sa Executive Branch ang ‘Hatid Tulong’ initiatives na layuning umasiste sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs), Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga nais umuwi sa probinsya.
Pinayuhan din ni Go ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang mas mahigpit na patakaran para mapigilan ang mga hindi otorisadong pagbiyahe na maaring makadagdag sa pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni Go na kung hindi naman handa ang Local Government Units (LGUs) na tanggapin ang kanilang mga kababayan, hindi na muna dapat payagang bumiyahe ang mga ito pauwi sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Go, dapat ding masigurong may kakayanan ang LGUs na mag-test, mag-quarantine at maalagaan ang mga kababayang uuwi.
Bilang chairman ng Senate Committee on Health, ay mariing ipinapaalala ni Go sa lahat ng ahensya na sundin ang tamang proseso at magkaroon ng maayos na koordinasyon lalo na sa lokal na pamahalaan upang maisaalang-alang palagi ang buhay at kaligtasan ng mga tao.