Hatid Tulong Program, itutuloy sa July 25 at 26

Muling ipagpapatuloy ng Pamahalaan ang Hatid Tulong Program sa July 25 hanggang 26.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., maaari na muling mag-alok ang programa ng biyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa matapos magpatupad ng moratorium ang ilang rehiyon dahil sa limitadong kapasidad ng kanilang quarantine facilities.

Aniya, inaasahang babawiin ang moratorium lalo na ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na pansamantalang inokupa ang isolation facilities at aalis na matapos makumpleto ang quarantine period.


Iginiit ni Galvez na kailangang sumailalim sa PCR-testing ang mga LSI pagkadating nila sa kanilang mga probinsya para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Paliwanag ni Galvez, kahit na nag-negatibo sa test ang LSI sa Metro Manila o sa pinanggalingan nito ay mayroong tiyansang magpositibo ito kapag nagpa-test ulit sa kanilang probinsya.

Facebook Comments