Manila, Philippines – Posibleng ilabas na ng Korte Suprema ang desisyon sa susunod na buwan hinggil sa quo warranto petition na nagdidiskwalipika at nagpapatalsik kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.
Ito ang inihayag ni acting Chief Justice Antonio Carpio kasabay ng paglulunsad ng bagong application na ‘justiceph’.
Ang petisyon ay inihain ni Solicitor General Jose Calida kung saan isinagawa ang oral arguments nito noong April 10 sa Baguio City.
Sina Sereno at Calida ay bibigyan na lamang hanggang ngayong araw para maghain ng kanilang sariling memorandum.
Facebook Comments