Manila, Philippines – Sa Hunyo 30 magkakaalaman kung mananatili pa bilang board member ng PhilHealth ang dating OIC nito na si Celestina Dela Serna.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dahil may polisiya ang mga nasa Government Owned and Controlled Corporation (GOCC) na lahat ng termino ng mga appointee sa GOCC ay mate-terminate ng Hunyo a-trenta.
Sa nabanggit na petsa ayon kay Roque, malalaman kung irere-appoint pa o hindi na ang dating PhilHealth OIC.
Samantala, sinabi ni Roque na siya ay hihingi ng paglilinaw sa kung bakit hindi otomatikong inalis kay Dela Serna ang pagiging miyembro nito ng board kasunod ng pagpapatalsik dito bilang OIC ng PhilHealth.
Matatandaang una ng tinanggal si Dela Serna sa ahensiya bilang OIC dahil sa umano ay excessive travel at extravagant lifestyle gayunpaman napag-alaman na nananatili pa rin itong isa sa mga board member ng PhilHealth.