Tinawag na “failure of justice and democracy” ng Rappler ang hatol na guilty ng Manila RTC Branch 46 kina CEO Maria Ressa at dating researcher nitong si Reynaldo Santos Jr. kaugnay ng kasong cyber libel na isinampa sa kanila ng negosyanteng si Wilfredo Keng.
Sa statement na inilabas sa Twitter, sinabi ng Rappler na ang hatol ay magdudulot ng panganib hindi lang para sa mga journalist kundi sa lahat na nagpo-post online.
Tanda rin anila ang araw na ito ng nawalang kalayaan at mas maraming banta sa karapatang pang-demokrasya na dapat ipinagkakaloob ng Konstitusyon lalo na sa konteksto ng paglaban sa Anti-Terrorism Law.
Samantala, ang Rappler, bilang kumpanya, ay idineklara ng korte na walang pananagutan sa kaso.
Facebook Comments