
Inasahan ni House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. na mas magiging malakas ang pagpapatupad ng Anti-POGO Act, kasunod ng hatol ng korte na habambuhay na pagkakulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Naniniwala si Abante na makakatulong ang hatol kay Guo sa pagsisikap na tuluyang mabura sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Sabi ni Abante, ito rin ay kaakibat ng hakbang na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng krimen na may kaugnayan sa POGO, tulad ng human trafficking, torture, at iba pang organisadong krimen.
Bunsod nito, nanawagan si Abante na habulin ang bawat indibidwal na hinayaan lang na mangyari ang criminal operations, lalo na ang mga operator, mga nagpondo, at mga opisyal na nagbukas ng pinto para sa POGO at mga ilegal nitong aktibidad.









