Buhay ang hustisya sa bansa.
ito ang inihayag ng pangulo ng Volunteers Against Crime and Corruption kasunod ng naging hatol laban sa dating pulis na si Staff Sergeant Jonel Nuezca.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni VACC President Arsenio Evangelista na ginawa ng maayos ng mga otoridad ang kanilang trabaho upang maibigay ang hustisya sa pamilya ng mag-inang biktima na sina Sonya at Frank Anthony Gregorio.
Ayon kay Evangelista, mabilis na ang walong buwan bago maibigay ang hatol ng korte at malaki ang naitulong ng nakuhang video bilang ebidensiya sa ginawang pamamaril ni Nuezca.
Hinatulan ng Paniqui Regional Trial Court (RTC) Branch 106 ng Reclusion Perpetua o pagkakakulong ng hanggang 40 taon sa bawat count ng murder.
Bukod diyan, ipinag-utos din kay Nuezca na bayaran ang pamilya ng mga biktima ng danyos na nagkakahalaga ng halos isang milyong piso.