Hatol ng korte sa 4 na pulis na kinasuhan ng homicide, maaari pang iapela

Maaari pang umapela ang apat na pulis na hinatulang guilty sa kasong homicide kaugnay sa pagkamatay ng mag-ama sa Caloocan city hinggil sa drug war noong 2016.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO Chief PCol. Jean Fajardo hindi pa kasi final and executory ang hatol ng Korte.

Bagama’t kanilang nirerespeto ang desisyon ng Korte, karapatan ng mga ito na gamitin ang lahat ng legal remedies tulad nang paghahain ng motion for reconsideration.


Paliwanag ni Fajardo, nasampahan na rin ang 4 na pulis ng kasong administratibo noong 2016 at lahat sila ay nabigyan na ng penalty na isang taong suspensyon kung kaya’t balik na ang mga ito sa serbisyo.

Sa ngayon, nakatalaga ang 2 sa NPD, 1 sa MPD at ang 1 naman ay sa Rizal PPO.

Hinihintay na lamang din nila ang desisyon ng NCRPO kung aalisin ang 4 na pulis sa puwesto at ililipat muna sa Police Holding and Accounting Unit habang hinihintay ang pinal na hatol ng Korte.

Facebook Comments