Hatol sa isang miyembro ng Maute terrorist group na nahulihan ng pampasabog, pinagtibay ng Court of Appeals

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng korte na guilty ang isang miyembro ng Maute terrorist group na nahulihan noon ng mga pampasabog.

Sa hatol ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 266, guilty beyond reasonable doubt si Nasifa Pundug dahil sa sa unlawful possession of explosive or incendiary device na dahilan para patawan siya ng Reclusion Perpetua.

Nahuli si Pundug noong August 2016 kasama ng ilang miyembro ng mga Maute kung saan nakumpiska sa kanila ang 81-millimeter mortar ammunition at iba pang pampasabog.


Sa depensa naman ng akusado, itinanggi nito na siya ang may-ari ng pampasabog at itinanim lamang umano ito dahil sa kawalan ng serial number matapos makumpiska.

Samantala, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na ang naturang ruling ng korte ay patunay na hindi mananaig ang terorismo laban sa hustisya.

Malaking bagay rin anila ito sa paglaban ng gobyerno sa terorismo sa bansa.

Facebook Comments