Hatol sa mga akusado ng Maguindanao Massacre, ilalabas na ngayong araw  

Ilalabas na mamayang umaga ang hatol ng hukuman sa mga akusado sa karumal-dumal na kaso ng Maguindanao Massacre.

Alas-9:00 ng umaga isasagawa ang promulgation sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Umabot sa higit 10 taon ang paggulong ng kaso sa sala ni Quezon City RTC Judge Jocelyn Solis Reyes.


Higit 100 sa halos 200 akusado sa malagim ng krimen ang inaasahang babasahan ng hatol.

Facebook Comments