Hatol sa siyam na pulis na nakapatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu ilalabas na ng PNP ngayong buwan

163

Bago mag-Pasko ay ilalabas na ng Philippine National Police (PNP) ang hatol sa siyam na pulis na nakapatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu noong Hunyo.

Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, hinihintay na lamang nila ang resolusyon ng korte na dumidinig sa kasong kriminal ng siyam na pulis.


Naisumite na rin aniya ng PNP Internal Affairs Service (IAS) sa legal department ng PNP ang kanilang rekomendasyon sa administrative case ng siyam na pulis at kasalukuyan nang nirerebyu.

Tiniyak naman ni Sinas na kung anuman ang magiging resulta ng kanilang rekomendasyon ay maaari pa rin i-apela ng mga sangkot na pulis sa National Police Commission.

Nitong November 26, isinumite ng PNP IAS kay Lt. Gen. Joselito Vera Cruz ang kanilang rekomendasyong sibakin na sa serbisyo ang siyam na pulis.

Facebook Comments