Hawaan ng COVID-19 sa evacuation centers, dapat tiyakin na hindi nangyayari

44

Bilang Chairman ng Senate Committee on Health, ay pinapatiyak ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na hindi magkakaroon ng hawaan ng COVID-19 sa mga evacuation center.

Mahigpit itong tagubilin ni Go habang nananatili sa mga evacuation center ang mga pamilyang inilikas sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.


Giit ni Go, dapat siguraduhin na naipapatupad ng mahigpit sa mga evacuation centers ang minimum health protocols, katulad ng pagsusuot ng mask, social distancing, at palaging paghuhugas ng kamay.

Una rito ay inihayag ni Go na nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa sitwasyon kaugnay sa masamang lagay ng panahon at nakahanda rin ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno para magsagawa ng emergency response at magbigay ng tulong sa mga apektado ng kalamidad.

Facebook Comments