HAWAAN SA TRABAHO AT PAMILYA, NAKIKITANG DAHILAN NG PAGTAAS NG KASO NG COVID-19 SA DAGUPAN

NAGSIMULA umano ang pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dagupan dahil sa hawaan sa trabaho at pamilya.

Ayon kay Dra. Ophelia Rivera, COVID-19 Focal Person ng lungsod, may mga exposure umano ang mga pasyente ngayon ng lungsod sa isang COVID-19 patient sa kanilang trabaho.

Dagdag ni Dra. Rivera, Ilan din sa mga pasyente ay mayroong pinuntahan na lugar at pagbalik sa kanilang tahanan ay mayroon ng miyembro ng pamilya ang nagkakaroon ng sintomas ng sakit.


Payo nito, iwasan ang kumpulan sa trabaho, iwasan ang kumain ng sabay-sabay at huwag alisin ang face mask.

Samantala, sinimulan na ang pagsasaayos ng karagdagang quarantine facility ng lungsod na matatagpuan sa Bonuan Boquig upang may magamit kung sakali mang patuloy ang pagtaas ng aktibong kaso ng COVID-19 na kasalukuyang nasa 248 matapos makapagtala ng karagdagang 29 na kaso.

Facebook Comments