Manila, Philippines – Pinagtitibay ngayong ng mga otoridad ang mga nakuhang ebidensya ng pnp-scene of the crime operatives sa karumal-dumal na krimen sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Sa interview ng RMN kay Bulacan Acting Provincial Dir. Police Senior Supt. Romeo Magpili Caramat – layon nitong mas lalong tumibay ang kaso laban sa suspek na si Carmelino Ibañez, na umamin sa pagpatay sa asawa, tatlong anak at biyanan ni Dexter Carlos.
Ayon kay Caramat – isa ito sa kanilang hakbang, sakaling bumaliktad ang suspek sa mga nauna na nitong pahayag sa krimen.
Kasabay nito, dumipensa ang PNP sa pagharap sa suspek kahapon sa media nang walang kasamang abugado.
Bukod kay Ibañez, nakatutok din ang otoridad sa iba pang posibleng kasabwat nito sa krimen.
Facebook Comments