Hawak ng Maute sa Marawi City, mas lumiit pa ayon sa pamahalaan

Marawi City – Kinumpirma ng pamahalaan na maliit na lang ang lugar na kontrolado ng Maute Group sa Marawi City.

Sa Mindanao Hour sa Malacañang ay sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, nasa half square kilometer nalang ang hawak ng Maute na nasa 50-60 miyembro na lang.

Pero kahit aniya maliit nalang ang hawak na lugar ng Maute ay nasa 30 pang sibilyan ang bihag ng mga ito kayat todo pa rin ang pag-iingat ng militar.


Ibinida din naman ni Padilla na walang naiulat na nasawi sa panig ng gobyerno sa nakalipas na 8 araw sa harap na rin ng patuloy na bakbakan sa lungsod.

Pero mayroon aniyang dalawang sundalo na naputulan ng paa matapos masabugan ng Improvised Explosive Device na itinanim ng mga kalaban habang sila ay nagsasagawa ng clearing operations sa Marawi City.

Facebook Comments