Hawks at Clippers, nagpalitan ng manlalaro

Nakuha ng Los Angeles Clippers ang veteran point guard na si Rajon Rondo mula sa Atlanta Hawks kapalit ni dating Sixth Man of the Year Lou Williams.

Bilang kapalit, ipapadala naman ng Clippers sa Hawks ang kanilang dalawang future second-round draft picks at cash considerations.

Dahil sa trade, muling makakasama ni Rondo si Clippers Head Coach Tyronn Lue na dati na niyang nakasama sa Boston Celtics noong 2011 hanggang 2013.


Si Williams naman ay bago lamang nalampasan ang 15,000 career points nitong nakalipas na araw sa kanilang panalo laban sa San Antonio.

Facebook Comments