Hawks at Sixers, tabla na sa 2-2 sa best-of-7 series ng NBA Eastern Conference Semis

57

Tabla na ang Atlanta Hawks at Philadelphia 76ers sa Game 4 ng best-of-7 series ng National Basketball Association (NBA) Eastern Conference Semifinals.

Sa score na 103-100, tinalo ng Hawks ang Sixers sa pangunguna ni Trae Young na may 25 points at career-high na 18 assists.


Samantala, ginabayan naman ni Tobias Harris ang 76ers na mayroong ambag na 17 points at 21 rebounds.

Magtatapat muli ang Hawks at Sixers sa Game 5 ng best-of-7 series sa Huwebes.

Facebook Comments