Manila, Philippines – Tumanggi ang Malacañang na magkomento sa pagbibitiw sa puwesto ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Kasabay nito, umapela si Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko na hayaan muna sina Pangulong Rodrigo Duterte at Paolo na makapag-usap.
Ayon kay Roque, natitiyak niyang sa oras na makapag-usap na ang mag-ama, bibigyan naman siya ng mandato ng pangulo na magsalit hinggil sa pagbibitiw ni Pulong.
Matatandaang emosyunal na inanunsyo ni Pulong ang pagbibitiw nito sa pwesto sa gitna ng special session ng city council ukol sa mga nasalanta ng bagyong Vinta.
Facebook Comments