Hayat-Vax vaccine na gawa sa United Arab Emirates, binigyan na ng EUA ng FDA

Binigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang Hayat-Vax vaccine na donasyon ng United Arab Emirates (UAE) sa Pilipinas.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kapareho ang Hayat-Vax vaccine ng Sinopharm na gawa ng China.

Produkto rin ito ng China tulad ng Sinovac, ngunit ang packaging ay sa UAE nakapangalan.


Magagamit ang bakuna ng Hayat-Vax sa mga edad 18 pataas na una nang nagpakita ng 86% efficacy sa mga trials nito.

Facebook Comments