Tiniyak ng Malakanyang na maibibigay ang hazard pay ng lahat ng frontliners na nanguna sa paglaban sa COVID-19 sa bansa.
Bunsod ito ng pagsasagawa ng kilos-protesta ng ilang medical frontliners kasabay ng selebrasyon ng Health Workers’ Day nitong Mayo 7 dahil sa mababang pasahod at sa higit isang taon ng hindi paglalabas ng kanilang benepisyo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi tumatalikod ang administrasyon Duterte sa kanilang tungkulin para maibigay na ang inaasam-asam na hazard pay ng mga frontliner.
Aniya, ibibigay ang lahat ng benepisyo na dapat tanggapin ng ating mga bagong bayani.
Ginarintiya na rin aniya ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagpapalabas ng kanilang hazard pay.
Facebook Comments