Hindi dapat binabawasan ang hazard pay na natatanggap ng mga healthcare workers.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinisilip na ng Department of Health (DOH) ang mga report na may ilang health workers na kailangang mag-quarantine matapos ma-expose sa COVID-19 sa mga ospital na tinapyasan sila ng hazard pay.
Iginiit ni Roque na ang hazard pay ay alinsunod sa isang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang health workers ay dapat makatanggap ng 5,000 pesos special risk allowance at 3,000 pesos active duty hazard pay kada buwan batay sa Administrative Order 35 at 36 na inisyu ni Pangulong Duterte noong November 2020.
Facebook Comments