Hazard pay para sa mga health worker, hindi pa inilalabas ng DBM ayon sa isang DOH official

Aminado ang Department of Health (DOH) na ipinoproseso pa ng Department of Budget and Management (DBM) ang hazard pay at special risk allowance para sa health workers.

Matatandaang inirereklamo na ng health workers ang delay na paglalabas ng hazard pay.

Ayon kay DOH Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, hindi pa inilalabas ng DBM ang hazard pay at special risk allowance mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.


Aniya, maraming health workers ang nagre-resign sa kanilang trabaho na pinangangambahang magdudulot ng understaffing sa mga ospital.

Para tugunan ang problema, nagbukas sila ng 10,300 health workers positions sa iba’t ibang bahagi ng bansa para tulungan ang operasyon ng health facilities.

Facebook Comments