Dapat nang ituring na henious crime ang hazing.
Ayon kay ACT-CIS Representative Niña Taduran, kulang ang Anti-Hazing Law lalo’t napag-uusapan lamang ito kapag may bagong biktima.
Malinaw aniya na krimen ito dahil sa karahasan, pananakit at pagpapahirap sa mga kadete na posibleng mauwi sa pagkamatay.
Tingin naman ni Sen. Juan Miguel Zubiri, na may akda ng Anti-Hazing Law ay maituturing na ring karumal-dumal na krimen ang hazing.
May parusa na kasi itong reclusion perpetua kapag nauwi sa pagkamatay o rape.
Facebook Comments