HAZING | Pamilya ni Atio Castillo, humingi ng tulong sa Vatican

Nagpasaklolo na sa Vatican ang pamilya ng pinaslang na University of Santo Tomas law student Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Matatandaang namatay noong nakaraang taon sa hazing ng Aegis Juris fraternity si Atio.

Sa isang sulat, hiniling ng pamilya sa Vatican na imbestigahan ang kawalan ng aksyon ng UST sa pagkamatay ng binata.


Para sa ina ni Atio na si Carmina Castillo, dapat alam ng UST ang mga nangyayari sa loob ng eskwelahan partikular sa recruitment ng mga fraternity at sorority.

Sa ngayon, 10 miyembro na ng Aegis Juris ang nakakulong kaugnay ng pagkamatay ni Atio.

Facebook Comments