Mainit na pinag uusapan ngayon ang kaso ng Hazing sa buong bansa dahil sa isang Law Student na si Horacio Castillo III na nabiktima ng hazing Setyembre 17.
Walang naitalang kaso ng Hazing sa Dagupan City sa loob ng siyam na buwan ngayong taon ayon yan sa PNP Dagupan City.
Ayon kay Police Senior Inspector Maria Theresa Meiban kaliwa’t kanan ang kanilang police process gaya ng pag iikot sa mga barangay at mga eskwelahan upang maiwasan ang ganitong klase ng kaso.
Pinaalalahanaan ng PNP ang mga kabataan na huwag na lamang sumama sa mga fraternities o sororities at magfocus na lamang sa kanilang pag-aaral at iba pang produktibong paraan gaya ng sports.
Facebook Comments