Hazing victim na si Atio Castillo, ililibing na bukas

Manila, Philippines – Ihahatid na sa huling hantungan bukas ang hazing victim na UST Freshman Law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon sa pamilya Castillo, magkakaroon muna ng huling misa para kay Atio alas dos ng hapon sa Santuario de San Antonio Parish Forbes Park, Makati City bago tumulak ang funeral convoy sa Parañaque.

Sa mausoleum ng pamilya sa Manila Memorial Park sa Parañaque ililibing ang nakababatang Castillo.


Inaasahan namang dadagsa ang mga kaibigan, kaklase, kamag-anak at mga nagmamahal kay Horacio sa libing nito bukas.

Kasunod nito, umaasa ang pamilya Castillo na makakamit nila ang hustisya lalo na ngayong hawak na ng mga otoridad ang isa sa mga itinuturing na primary suspek na si John Paul Solano.

Si Solano at iba pang miyembro at opisyal ng Aegis Juris Fraternity ay ipinagharap na ng patung-patong na kaso ng Manila Police District sa Department of Justice.

Facebook Comments