HAZMAT | Sulat na may hazardous material, ipinadala sa US marine military base sa Virginia; 3, isinugod sa ospital

Amerika – Tatlo ang isinugod sa ospital makaraang sumama ang pakiramdam matapos mabuksan ang isang sulat na dumating sa military base sa Virginia, USA.

Ayon sa Arlington, Virginia Fire Department, dumating ang liham sa Joint Base Myer-Henderson Hall na isang US marine base at aabot sa labing isang indibiduwal ang agad na sumama ang pakiramdam.

Agad na ang dinala sa ospital ang tatlo makaraang makaranas sila ng pagdurugo ng ilong at pagkasunog ng kamay.


Kaya hininalang insidente ng “hazmat” o hazardous materials ang naganap.

Agad nagtalaga ng “hazmat” teams sa lugar kabilang ang mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation at pinalikas ang mga taong nasa military base.

Facebook Comments