Bahagyang tumaas ang COVID-19 healthcare utilization rate (HCUR) sa National Capital Region.
Ayon sa OCTA Research Group, mula sa 30.7% na HCUR sa Metro Manila noong July 17 ay umakyat na ito sa 31.7% noong July 24.
Habang lampas na sa 50% ng mga ICU units, isolation beds at mechanical ventilators ang kasalukuyang okupado sa mga ospital sa Bohol at Iloilo Province.
Sa Iloilo, umabot na sa 52.4% ang HCUR habang 57.7% sa Bohol.
Una nang nagbabala si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na posibleng tumaas ang healthcare utilization rate sa bansa sa katapusan ng Agosto o sa simula ng Setyembre dahil sa tumataas na COVID-19 cases.
Facebook Comments