HDO laban sa mga akusado sa pagpatay kay Dominic Sytin, ipinag-utos na ng korte

Matapos ang pagpapalabas ng Olongapo City court ng warrant of arrest laban kay businessman Dennis Sytin at iba pang sangkot sa pagpatay kay Subic businessman Dominic Sytin, ipinag-utos na ng korte ang paglalagay sa hold departure order o HDO laban sa naturang mga akusado.

Ito ay para sa kasong murder at frustrated murder laban kay Dennis Sytin, Oliver Fuentes alyas Ryan Rementilla at Edgardo Luib dahil sa pagpatay kay Dominic at pagkakasugat ng bodyguard nito na si Efren Espartero.

Si Dennis Sytin ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa kanyang sariling kapatid.


Una nang naghain ng mosyon ang maybahay ni Dominic at isa pang kapatid para sa pagpapalabas ng HDO laban sa mga akusado.

Inatasan naman ni Olongapo RTC Branch 72 Judge Richard Paradeza ang Bureau of Immigration (BI) na ipatupad ang HDO laban sa grupo ni Dennis Sytin.

Facebook Comments