Aminado ang Department of Justice (DOJ) na malabong magpalabas ngayong araw ng resolusyon ang Makati Regional Trial Court Branch 148 sa very urgent motion ng DOJ sa warrant of arrest at hold departure order (HDO) kay Senador Antonio Trillanes.
Kasunod na rin ito ng paghain ni Trillanes ng supplement to the comment and opposition o dagdag na salaysay sa kanyang unang inihaing komento laban sa mosyon ng DOJ.
Sinabi ni acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na sasagutin pa kasi nila ang dagdag na salaysay ni Trillanes kung saan iginigiit ng senador na walang hurisdiksyon ang DOJ na maglatag ng pruweba sa korte kaugnay ng kanyang amnestiya.
Una nang binigyan ng korte ng limang araw ang DOJ para sagutin ang supplement to the comment and opposition ni Trillanes.
Bunga nito, may hanggang September 28 ang DOJ para maghain ng reply sa Makati RTC Branch 148 bago magpasya si Judge Andres Soriano.