HDO vs. Bantag, Zulueta, inilabas ng Muntinlupa RTC

Nagpalabas ang Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 ng hold departure order (HDO) laban kina dating Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag at dating BuCor Deputy Officer Ricardo Zulueta.

Ayon kay DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano, ang HDO ay iniisyu ng noong Martes, April 25.

Layon nitong mapigilang makalabas ng bansa ang mga akusado.


Nahaharap sina Bantag at Zulueta sa mga kasong may kaugnayan sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid at sinasabing middleman sa krimen na si Jun Villamor.

Bagama’t may warrant of arrest na ay hindi pa rin sila naaaresto.

Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Boying Remulla na nagpahayag na si Bantag ng intensyong sumuko.

Facebook Comments