Head ng security ng Resorts World, umaming gumamit ng ibang identity

Manila, Philippines – Napaamin ang head ng security ng Resorts World Manila na ginamit niya ang identity ng kanyang kapatid nang pumasok ito sa establisyimento.

Ang tunay nitong pangalan ay Armenio Gomez Jr. habang ang Armeen Gomez ay pangalan ng kanyang kapatid.

Hindi na pinaliwanag ni Gomez kung bakit nya ito ginawa at tumanggi na itong sumagot ng mga tanong kaugnay ng kanyang identity bagkus ay nag-invoke siya ng right against self-incrimination.


Sinabi naman ng abogado ng Resorts World na si Atty. Ma. Georgina Alvarez na hindi pa nila sinisibak si Gomez dahil isinasailalim din ito sa imbestigasyon patungkol sa trahedya sa casino at sa paggamit nito ng ibang identity.

Sa kabuuan naman ng employment nito, sinabi ni Alvarez, mataas palagi ang performance appraisal ni Gomez.

Natapos na ngayong araw ang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa Resorts World Manila incident at maglalabas na lamang ng committee report para dito.

Facebook Comments