Head Teacher, Arestado Matapos Mabentahan ng Droga ang Ahente ng PDEA!

4041

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang isang Head teacher matapos mabentahan ng droga ang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO2 sa bahagi ng kahabaan ng Brgy Luzon, Cabatuan, Isabela.

Dakong alas 9:10 kagabi nang isagawa ang Drug Buy Bust operation ng mga otoridad kay Jesus Ramirez alyas Jezz, 49 taong gulang, may-asawa, at nagtuturo sa Ortiz Zaranay Elementary School Cabatuan, Isabela.


Si Ramirez ay itinuturing na ‘Priority Target ng Police Regional Office 02’ na matagal nang minamanmanan ng otoridad dahil sa ginagawang transakyon sa iligal na droga.

Nabili ng PDEA Agent na nagpanggap na poseur buyer sa suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang halagang Php5,000.00.

Nakumpiska pa sa pag-iingat ng suspek ang apat (4) na heat sealed transparent plastic sachet ng shabu.

Nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang nasabing Head Teacher maging ang mga nakumpiskang shabu para sa tamang disposisyon.



Inihahanda na rin ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban sa suspek.


Facebook Comments